Tuesday, March 26, 2013

Tagalog Broken Heart Quotes

“Sabi mo gusto mo ‘ko, sabi mo konting panahon na lang magkakasama na tayo, sabi mo iiwan mo na siya, sabi mo hintayin kita, sabi mo mas mahal mo ako, ngayon asan ka na? Bakit kapiling ka pa rin nya?”

“Kadalasan nakakatakot magmahal kasi masakit umasa; pero hindi ba mas masakit yung alam mo na ngang wala kang pagasa, pero siya pa mismo ang nagpaparamdam na sa kanya ika’y mahalaga”

“Kahit ilang beses pa akong masaktan dahil sayo, di ako susuko. Kahit magkaroon pa ng isangdaang dahilan upang ika’y iwan, hahanap parin ako ng isang dahilan para pagmamahal ko sayo’y ipaglaban.”

“Masakit kapag ang taong mahal mo, ay masaya sa piling ng iba pero kailangan mong ipakita na masaya ka, kahit na sa loob mo ‘sana, ako na lang siya’.

“Oo, nagseselos ako, kahit na sabihin mong magkaibigan lang kayo at ako ang mahal mo. Natatakot ako na isang araw iwan mo ako, dahil noong una “magkaibigan” lang din naman tayo.”

“Tama na yung minsan mo kong paasahin, minsang saktan at minsang paluhain. Minsan mo lang naman din akong minahal; hindi tulad ko, minahal kita ng walang katapusan”